Samanhan natin ang premyadong director, actor, at broadkaster na si Kae Bahar sa isang katangi-tanging dokumentaryong “No Friends but the Mountain”. Ako ay bumilib sa adbokasiya na ipinaglalaban ni Kae Bahar para sa mga mamamayan ng Kurdistan at sa mga taong mula sa ibat’ibang lugar na naiipit ng masaklap na digmaan laban sa terorrismo sa Middle East. Sa pamamagitan ng dokumentaryong ito, nakita ko ang ibat’ibang uri ng pagkakaisa para labanan ang terrorismo mula sa ibat’ibang pangkat sa Kurdistan. Hindi man ako nag mula sa lugar na ito ngunit ramdam ko ang bigat ng hinagpis ng mga tao na naiipit sa giyera. Mga taong gusto lamang mamuhay ng matiwasay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya na ngayon ay unti-unting nawawalan na ng pag-asa. Naway magtagumpay si Kae Bahar sa kanyang adbokasiya na nag lalayon ng kapayapaan at katahimikan para sa mga tao na nag nanais ng bagong pag asa sa lugar ng Kurdistan.

Enter your film at https://filmfreeway.com/PhenomenalFilmFestival